Friday, April 11, 2014

30 Days Blog Challenge Day 16: Favorite Food

When it comes to food, 50-50 ako jan. I maybe like it or I may not. I don’t eat vegetables talaga mga mare kahit anong pilit sa akin. The more na pinipilit pa naman ako, the more na ayoko syang kainin. I seldom eat those unfamiliar food din. Gusto ko yung mga kilala lang ng taste buds ko. I don’t smell the food din lalo na if it’s the first time na titikman ko kasi if I don’t like the smell? I have the tendency to judge na food and not eat it anymore.
Oo. Ganyan ako mag inarte sa pagkain.
Warla kami ng mga gulay teh!
The only vegetable mix I eat eh yung sa Tokyo-tokyo na side dish. I want to learn how they make it nga eh kahit yun man lang malafang ko. Idagdag mo na ang Ginataang Kalabasa at Ginisang Sayote. Yun lang period!
Hehehehe.

In terms of favorite food? Hindi ko talaga sure yan kasi I eat those that I want at any given moment. Lalong lalo na nung buntis ako. I will ask Daryl to buy me siomai only at Siomai house. Kilala ko ang amoy at itsura ng siomai nila kaya you can’t make daya on me. I will not eat any other siomai except the one from Siomai House talaga.

Also, isa sa mga pinaglihian ko yung Halo – halo ng Chowking. Before I knew I was pregnant, I demand halo – halo from Daryl. Ang lolo nyo naman, sugod sa Chowking Rotonda para lang sa request ko. Then later on, we figured out I was pregnant na pala kaya ganun na lang ang kaartehan ko, naging triple. 

Pero I had this comfort food talaga na I can eat every single day, Siomai! Yan lang talaga friends. Ipagpapalit ko ang mamahaling food para lang jan. Hahaha.
Naisip kong mag Franchise nyan kaya lang baka malugi kasi kakainin ko lang malamang.
Hahahaha. 


Anyway, I just want to make singit this photo. I bought it last weekend. James ran out of all his necessity ng hindi ko namamalayan eh. I saw this Johnson and Johnson powder in a box. It has two different type of powder inside. I will make a review of this items on a different post.
Pramis! =)


Chika for the day ko? Naku sira ang elevator ng building namin from 2pm to 5pm. Nakakaloka! Paano ako bababa eh 4pm ang out ko. Mag kikita pa naman kami ni Ate sa World Trade Center. Pag nag hagdan naman ako, baka 5pm na ako makarating ng ground floor dahil nasa 30th floor ang office namin. Hayy!! Super nakakaloka! Yaan mo na, stay na lang ako for an hour. Magbabasa na lang ako ng Mommy Fleur Blog!
Hahahaha. =)
Happy thoughts!


No comments:

Post a Comment

Thanks for reading my humble blog.
Leave me some love, I'll visit your blogs too.
Much Love,
Mommy Jen