Friday, April 18, 2014

The Week is Almost Over

It’s Good Friday!
Where everyone’s up to? As I said ako? Bahay-Office-Bahay.
Mejo nagsisi nga lang ako ng slight kasi dapat sana nag leave ako kahit 1 day lang para makapag bonding naman kami ni James kaya lang sarado naman ang mall, hindi ko din sya maipapasyal.
Di bale, sa Saturday pagbukas ng mall, gagala kaming dalawa. =)

Alam nyo ba the other night, I was so pissed. Things didn’t go my way kasi eh. Nakakaasar lang. =(
First, Sokey, Jo-anne and Mommy Annie went to Waltermart Makati. Magpapa wax kasi ako at nagpasama ako sa kanila. Hahaha. Ako lang ang magpapa wax pero ang dami ko pang kasama. I was convincing Sokey na we’ll try the package of Laybare eh. Kaya lang mejo biglaan so next time na lang daw at kakashave lang daw ng lola nyo. When we get there, ang haba ng line ng mga magpapa wax at I am the fourth or fifith ata. Hangtagal!! Eh yung iba daw mejo long services din ang ina-avail nila so loss ang beauty ko. Umuwi kaming luhaan.
Second, I was about to go home na, I have decided to take the route from Waltermart Makati – Libertad – Heritage in Pasay. From there kasi, I can ride a jeep or a bus going to Las Pinas. Wrong move pala yun mga ateng! Naloka ako sa sobrang traffic along Taft Avenue near MRT Taft Station. Malaman – laman ko eh may malalaking tractor pala dun dahil ginagawa ang kalsada. 3 lanes na nga lang ang passable dun, naging dalawa na lang. Worst part is that eto ang part ng Pasay na ubod ng traffic ng wala pang ginagawang road maintenance, ngayon pa na meron? Hayy.. Windang ang beauty ko!
Third, I got home around 9pm, wala ng tubig. Remember Maynilad has been into eklaver construction of their pipes along Manila din and so most of the cities in the South of Manila was affected. Walang. Tubig. Sa. Bahay!! I am not used to it. Ako pa naman kapag naligo isang malaking drum. Hindi kasya ang isang timba lang.
Fourth, James and I were sleeping already when I felt na ang ingay ng paligid. James woke up and BOOM! Walang. Kuryente.

Hayy.. Nakaka stress naman. Antok na antok tuloy ako at hindi mapakali si James. Shortly after, nagka kuryente din naman agad.
Anyway, Ibaon na sa limot yang bad vibes na yan, nakaka cause yan ng wrinkles eh.

Yesterday, I was browsing the net while working (bad example, I know!), I came across the Forever 21 website. Grabe! Ang winner lang talaga. Ang gaganda ng clothes at hindi naman masyadong kamahalan. Nakakatawa lang kasi I remembered me and Ate Fraulene went to Forever 21 stores, parang wala akong makitang maganda. Until I realized na most of the time ata na nagpunta kami dun, I am pregnant with James na. Siguro ganun talaga nagbabago ang taste kapag buntis. Hehehe.

Here are the things that I liked.

I like this kind of top kasi loose yung tummy area. Matatago ang mga bilbil ko
This one's my favorite. Ang boho ng look. 
This is your go-to dress kapag wala ka sa mood mag dress up
source
Sorry mejo konti lang pero I swear ang dami talaga dun. You just have to make sure na kung oorder ka,hindi lang isa kundi maramihan, or else? Kawawa ka sa shipping fee. =)
I really missed shopping clothes na. Hayy.. I am trying to fix my finances pa kasi. In the last six months, parang I struggle a lot. Siguro kasi hindi pa lang ako nakakapag adjust. Nuon kasi, all I think about was my own expenses, now? There’s this responsibility that I have to attend to and I can never say “wag na!” or “next time na lang”. James’ needs should come first.


Motherhood did wonders in changing people talaga. =)

2 comments:

  1. ang gaganda ng mga clothes! like ko ung din brown! Tsaka tama ka, pag mommy ka na mas una talaga na iisipan mo bilhan ng something ay ung baby muna. ganun ata talaga! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Mommy Joy. Pero ika nga diba? dapat daw hindi natin makalimutan alagaan ang mga sarili natin. =)
      Cheers to Motherhood.

      Delete

Thanks for reading my humble blog.
Leave me some love, I'll visit your blogs too.
Much Love,
Mommy Jen